first time mo ba sa PianistAko?!
hindi ka ba makapag-download dahil hindi mo alam kung papaano?!
naiinis ka na ba dahil hindi mo alam kung bakit ang dami-daming pasikot-sikot eh gusto mo lang naman makapag-download sabay sibat?!
inip ka na ba?! excited?! imbyerna?!
hindi ka ba makapag-download dahil hindi mo alam kung papaano?!
naiinis ka na ba dahil hindi mo alam kung bakit ang dami-daming pasikot-sikot eh gusto mo lang naman makapag-download sabay sibat?!
inip ka na ba?! excited?! imbyerna?!
pwes! kung oo ang sagot mo sa lahat ng ito eh no choice ka kundi basahin ng isang beses itong GUIDELINES kong ito... OR... hintayin mo nalang tubuan ka ng ugat in trying to figure out what will you do next *Lafing Awt Lakas!!!*. ipupusta ko ang pustiso ng kapitbahay namin, nandito ka dahil may LiBRE! hahaha ^_^v
sa mga taong ngayon lang na-discover ang PianistAko, i've started this music blog site late 2008 and so far masaya naman ako kahit halos maging kulot na ang kilay ko at konti nalang isa na akong eyebags-na-tinubuan-ng-mukha sa kakagawa ng mga piyesang ito *Lafing Awt Lakas!!!* masaya ako dahil kahit papaano alam kong marami akong natutulungan at matutulungan sa pamamagitan ng kalokohan kong ito hehe. kaya bago ako magpatuloy sa aking PABASA sa ibaba, ako'y lubos na NAGPAPASALAMAT mula sa kaibuturan ng aking puso-ugat-atay-apdo-balunbalunan hanggang dendrites sa patuloy ninyong pagtangkilik at pagbisita! THANK YOU ha! ^________^
REMINDER MUNA MGA MAREKOY's and PAREKOY's
"You can download all these sheet music for FREE..." yan ang promise ko PERO i have only one ( 1 ) request that i'm sure hindi mahirap pagbigyan: DO NOT RE-POST / DO NOT RE-UPLOAD any of my piano pieces elsewhere... ( that includes sharing through e-mail, trading sites, etc. ). 'wag ninyong labagin ang TERMS OF USE ko kung hindi, mapipilitan akong tapusin ang kahibangan kong ito *tume-threat lang haha* if you are to share my sheet music, just CREATE a LINK back to PianistAko instead ( or just place my badge on your website, share my blog address, etc. ).
since i'm the one who made all of these and I DIDN'T TRANSCRIBE it using a midi-to-music sheet or audio mp3-to-sheet music, eh i think it's fair naman for me to request from all of you to just grant my simpleng kahilingan. that way, you will encourage me to do more piano pieces at hindi maubos ang bangs ko sa pagka-imbyerna. tandaan libre ko nang ibinabahagi ang mga piyesang gawa ko kaya konting respeto naman po pinuno ^__^v
kung aangkinin ninyo naman yung mga gawa ko, kung palalabasin ninyo na kayo ang gumawa ng mga ito eh konsensya ninyo na yan... 'wag lang kayo papahuli sa'kin hehehe joke lang =p pero minsan try mong baguhin yang kabalbalan na gawaing yan! hindi ka na nahabag.... libre mo na nga nakuha, pagkakakitaan mo pa! isa kang malaking BULATE!!!! hahahaha... so ayun, i'm not pinpointing anybody here okay... para sa inyong lahat itong hinaing ko kasi kayo naman ang makikinabang kung ang lahat eh matutong sumunod sa patakaran... okay... hindi ako galit at bawal ang pikon hehehe =p so, hindi ko na patatagalin, here are the GUIDELINES kasi marami pa rin sa inyo ang pasaway!!! mabuhay kayo mga kontrabulates!!!!! ^_^
GUIDELINES TO ALL USERS, MUSICIANS, PIANISTS, MUSIC LOVERS, DOWNLOADERS, LEECHERS, PASSERS-BY, NEWBIES: ( click to expand )
No. 1 READ FIRST...
kung sa school itinuro sa atin na to "read instructions first before answering the test papers" ganito rin po ang need ninyong gawin sa site ( sa lahat ng websites actually ). since i'm not online 24/7, i've already placed the necessary procedures/instructions/guidelines pero hindi ninyo lang talaga binabasa... hindi naman mawawala yung mga links ng mga piano music sheets. hindi naman tatakbo yan. bakit ka ba nagmamadali?!? may appointment ka ba?! 'wag ka kasi mag-alala HINDI NAKAKABAOG ANG PAGBABASA... so, TAKE TIME TO READ FIRST ^_^v isang beses mo lang naman kailangan basahin ang lahat ng ito eh dahil for sure babalik-balikan mo ang site ko... nakakaaddik dito.... pramis!!! bwehehehe ^_^v
what to read:
ABOUT
TERMS OF USE and PRIVACY POLICY
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (F.A.Q.'s)
OPEN LETTER
ON QUEUE OPM SHEET MUSIC
CURRENTLY AVAILABLE OPM SHEET MUSIC
PIANISTAKO LIVE! ( chatango interactive message board seen at the bottom of this site )
isa pa, kung nuknukan kayo ng tamad magbasa, ay.... i tell you, mas nuknukan ako ng tamad magreply... hindi dahil isnabera/suplada ako, kundi dahil paulit-ulit lang naman kasi. minsan i-google mo nga yung meaning ng FAQ's! naman! try it!! hindi ko naman pinangarap maging pirated cd noh lalz kaya utang na loob, make reading a habit! everything that you need to know, andito lang din ang sagot. basa basa rin pag may time okie.
No. 2 HOW TO DOWNLOAD?
the instructions can be found on the FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (F.A.Q.'s) area. so if you haven't read it yet i'm pretty sure, you'll gonna ask me how to blah-blah-blah.. kaya make friends with F.A.Q.'s now na! hehe ^_^v
question: what if you're unsuccessful in downloading the music sheets, unable to download?
answer: don't worry too much... it's either my file server/host is busy ( which is beyond my control ) or it takes too long to load the page ( which is sometimes dahil sa internet connection ninyo ) so, just be patient or try downloading it again. all these piano music sheets are in .pdf format kaya if you don't have any .pdf reader installed on your computer, malabong magkikita pa kayo ni sheet music hehe ^_^v here's one .PDF reader na maliit na file lang download it HERE or HERE.
unless you've been experiencing it for the past so-so days or a lot of you are complaining about it then may problema nga so lemme know by using my PianistAko Live! message board. i'm checking my links every once in a while to make sure all the links are working. okay na?! ^_^
another thing... 'wag na po sana kayo magreklamo kung bakit pinaghiwa-hiwalay ko pa yung mga pages... one of the main reasons why i did that is for me to have an easier job in replacing certain page(s) if may corrections. tao lang po ako and most of the time madaling araw ko na natatapos so may mga pagkakataon na nao-overlook ko yung piano piece kapag post-editing na and upon reviewing ( after uploading it ), tsaka ko lang napapansin ang corrections. para mabilis, kung anong page lang ang may correction yun lang ang pinapalitan ko. isipin nyo nalang yung time i've spent in creating/transcribing/arranging the music sheets ( and i'm talking about HOURS or DAYS here NOT minutes okay! )? tapos kayo magda-download nalang nga ng libreng piyesa aangal pa... patience people... patience... ^_^v
also, sa mga nagrereklamo or nagrerequest na tanggalin ko yung watermarks, hmmm kayo naman... ang dami nyo talagang angal hehehe akala nyo lang hindrance yung watermarks sa sheet music but try to have it printed first ( use GRAYSCALE option on your printer ) and you'll notice that hindi siya ganoon ka-visible... nilagay ko yan para sa mga mapagsamantalang nilalang na mahilig mangopya ng hindi naman nila pinaghirapan. i've tried reading my scores and tried printing it, wala naman naging problema sa akin. siyempre bago ko naman nilagay lahat ang mga piyesa dito, i made sure na ako mismo hindi mahihirapan kapag binasa ko na ang mga piyesa. siguro naman nagkakaintindihan na tayo kung bakit kelangan ninyong pagtyagaan na may watermarks ang mga piyesa. tandaan, LiBRe kong ipinamamahagi sa inyo ang mga piyesang 'yan na hindi naman basta-basta piyesa lang. yun lang.. i rest my case ^_^v NEXT please...
No. 3 REQUESTING SHEET MUSIC...
i understand the feeling ng first timer sa pagdownload ng libreng music sheets. masyadong excited! libre eh... nagmamadali akala mo may huhuling pulis. gusto lahat madownload kahit sabay²... kahit halos hindi na magkandaugaga sa pagdownload hahaha tapos kung anu-ano pa ang hinahanap... guilty?! hmmmmm....
first, since i've categorized the sheets/songs according to the artist(s)/singer(s) of the song, click here to browse the list of SINGERS / ARTISTS - finished music sheets;
second, you don't know the artist/singer but you know the title of the song. use my search engine which can be found on the right side bar of this site;
third, wala pa rin yung song... bakit ganoon?! praktis naman ako ng praktis!!! hehehe well, if you can't find the piano sheet music that you're dying to have, take a look at my ON QUEUE OPM SHEET MUSIC, it is where the requested songs are listed in alphabetical order. what you see on this page are songs requested by anybody, this is my list of Pending OPM Piano Sheet Music. *paki-google nga kung anong ibig sabihin ng PENDING ha baka kasi hindi ninyo naiintindihan jk *Lafing Awt Lakas!!!;
if you see the title of the sheet music that you're looking for from that Pending List, all you have to do is WAIT... wait for me to finish that piano piece(s). since i cannot tell how long will it take me to finish a song ( i'm currently employed po kasi ), once i'm done with the piano sheet music, then i'll be uploading it... right away! in random order ko po ginagawa ang mga piyesa. whenever i feel like doing it, depende sa mood ko kung gusto kong tapusin ang isang kanta or not.
if you still can't see the piano score that you're looking for kahit pinagbali-baliktad mo na ang monitor mo eh you can now request it using my message board PianistAko Live! ^_^v just note that i'm only entertaining OPM songs. malinaw yan ah... it's my top priority. if the song that you're requesting is a REMAKE or a REVIVAL ( non-OPM songs which then popularized by our OPM artists ), it will be less prioritized UNLESS i already have it transcribed sa papel pwede rin sa tissue lol ( meaning i just have to transfer it into a neat/readable music sheet ) then i'll upload it. kaya pasensiya na po sa mga nagrerequest ng cover songs huh...;
fourth paano yung super duper mega urgent! talagang kailangan na within 1-2 weeks? if you really badly needed the song like for a wedding or certain occasion ASAP, hmmm papayag akong gawin ito pero.... MANININGIL na ako! with SERVICE CHARGE na ito ( see EMS PianistAko style for more details... ) kasi unfair naman dun sa mga matiyagang naghihintay ng songs and lalong unfair naman sa akin kung magdedemand kayo ng walang kapalit... besides, hindi naman basta-basta ang gumawa ng piyesa! try ninyong gumawa ng piyesa to know what i mean... ^_^v kahit ba sabihin ninyong mabalis akong magtranscribe/arrange eh most of the songs pinagpupuyatan ko talaga. it's not everyday/every minute na nasa bahay ako... so yun lang naman...
No. 4 ON LEAVING COMMENTS / REQUESTS / SUGGESTIONS / CRITICISMS
paki-usap lang... utang na loob!!! if you'll be leaving a comment sa site ( may it be sa comment(s) box after each sheet entry or sa message board ) PLEASE, gumamit kayo ng pangalan... LEAVE ATLEAST A NAME/NICKNAME/PETNAME sayang naman mga pangalan ninyo... hindi ko naman uusisain ang mga buhay ninyo, it's just that ang hirap makipag-usap sa puro ANONYMOUS try ninyo kaya! that's why i opened my comment/s box to public para may options kayo to leave a name, or use open id, or use blogger account. 'wag naman puro ANONYMOUS tapos tatanungin ninyo ako eh lahat kayo nagkataon ANONYMOUS hahahaha jusme... use your name people. para saan pa yang mga birth certificates ninyo na may pangalan hindi ninyo naman pala gagamitin!!! hahaha i want you to feel at home at my site... i want a friendly atmosphere ^_^v this is also applicable sa PianistAko LIVE! too.... use a name kahit temporary lang... hindi po ako manghuhula... para naman i can answer you queries/questions and say thank you directly diba?! gawin mo yan!!!! wag ka ng mahiya... hindi naman bagay sa'yo hehehe ay biro lang *pis* ^_^v
No. 5 WHAT'S THE PASSWORD? GIVE ME THE PASSWORD!!!
'wag kang demanding! *Lafing Awt Lakas!!!* only if you read my F.A.Q.'s you'll know where to get the password of my piano pieces. i've decided to password-protect my scores after i've transferred all of my files to a new file host but all passwords are also written on each post. quotang-quota ka lang talaga sa ka-atatan at katamaran sa katawan haha seriously, try to consider reading first bago ka putukan ng ugat sa ulo dahil sa hayblad mong peg lol, hindi ako nagpapalaro ng treasure hunting... bisitahin mo lang saglit si FAQ's, tapos na ang boksing hehe
No. 6 I'VE GOT THE SHEET MUSIC NOW WHAT?
now what ka diyan! hehehe well, i'm not asking for too much naman. kung nagustuhan ninyo yung sheet music here sa site, lemme know by leaving a commment para ganahan naman ako... kung hindi ninyo nagugustuhan eh tigilan na natin 'to hahaha biro lang... ^_^v
i may not charge you all for these sheets/scores pero i do need your help para sa piano fund ko yey! you can help me by donating which is very much appreciated! pero kung wala kang maia-ambag para sa aking mumunting project, just say THANK YOU *with a wrap-around-smile-hanggang-batok hehe ( 'wag naman kayo basta nalang aalis pagkatapos ninyong makuha yung gusto ninyo! mahabag ka naman! hahaha ) but i prefer the DONATION hahahahaha i'm raising fund to buy a new piano ( kasi wala po akong gumaganang piano, i'm only using a 49-keys keyboard which was a gift for me by my parents 20 years ago and i really needed to have a piano para may magamit naman ako sa paggawa ng piyesa. i miss playing the piano at home *sigh* ) so, hindi ko man kayo singilin sa lahat ng 'to dahil kagustuhan ko naman ito, ano ba naman yung tulungan ninyo na lang ako kahit sa maliit na halaga lang naman... besides you all get the sheets for free. lifetime freebies na nga eh... cge na... yiheeee kuchikuchikuuuu ^_^
No. 7 NOT FOR BEGINNER/NEWBIE PIANISTS...
well, when i started this site, piano accompaniments talaga ang pina-publish ko until i've reached my 100th piano piece then tsaka lang ako nag-decide to do simplified piano solos. so para sa mga nahihirapan sa mga piyesang nilagay ko dito noon ( dahil for advanced/intermediate users karamihan ) eh alam kong magrereklamo kayo sa akin tungkol dito kaya naka-plan na lahat yan. easy lang kayo, steady lang hehe pramis i'll try to make my simplified solos as simple as possible yet hindi mawawala ung essence ng arrangement based on my previous piano scores... not too easy... not too difficult piano solo arrangements. kaya hoorraayyy ng bonggang bongga talaga ^_^
one more thing, sa lahat ng nagrerequest na gumamit ako ng PITCH NAMES ( A B C D E F G ) in addition sa note heads, aba! patay na lahat ang bayani, ayokong dumagdag sa kanila hehe... don't you think it's about time you learn the PROPER/CORRECT way of reading sheet music? :) take the initiative, exert more effort. after all, KAYO ang may kailangan dito, hindi AKO. i've done my part, do yours. please consider it. kayo ang makikinabang in the end okie ^_^v
No. 8 CHORDS...
since i know that not all of you here can sight read sheet music, inasmuch as i wanted to put the chords on each music sheet(s) eh so far malabo pa mangyari BUT, i'll try to post it on a separate page, the lyrics and the piano chords used available for download. why hindi pwede? well, basically i'm into piano accompaniment talaga and i don't rely on chords at all. so to save time at the same time to be more productive, i chose to concentrate on piano notes instead of chords. also, i try to minimize the pages of each song as much as possible. if i'd put chords on top of each measure, hassle pa sa part kong i-adjust yung mga systems/lines to fit in a page. masyadong congested tignan at the same time dadami yung pages. kawawa naman yung mga nagbabayad ng printing sa computer shop, masyadong magastos right?! buti kung sa akin ninyo na lang ibibigay yung bayad... why not?! hahaha so the solution would be, a separate page for the lyrics with guitar/piano chords, which will be optional nalang na i-download.
kung hindi pa available yung link para sa piano chords, ibig sabihin hindi ko pa tapos gawin at hindi ko pa naia-upload. kung hindi ka makapag-hintay sa piano chords, search for guitar chords in the meantime... i'm only into piano music sheet to begin with pero gusto ko i-cater pati yung mga hindi nagbabasa ng music sheet eh kaya ko naisipang maglagay narin ng piano chords...
No. 9 TUTORIALS...
ano ka sinuswerte?! hahaha kidding ^__^ i can't do recorded piano demos at the moment aside from the fact na wala akong piano sa haus, limited ang oras ko after work, at busy pa ako sa paggawa ng piyesa. pag-okay na... who knows?! ^____^
update on tutorials: i've just started PianistAkOnline blogsite for my online tutorials/lessons/tips/techniques/etc., on piano... so it's a working progress kaya dun sa mga hindi marunong magbasa ng sheet music, visit PianistAkOnline and hope i can somehow enlighten you about sight reading ( or anything that involves you playing the piano may it be by reading the sheet music or just playing it using oido... )
another update as of 04april2k10: i've started my next project, an online video piano tutorials for each OPM music sheets posted. so sa mga gusto talaga ng shortcut and ayaw magbasa ng piano scores ( i suggest you learn the basics though ), eh ayan na po, sinimulan ko na...^_^v
No. 10 MP3's / AUDIO / DEMO...
since most of you here are for some reason hindi ko alam paano nabubuhay ng hindi nagbabasa lol, nasabi ko na ito dati pero eto na po ulit, ilalagay ko na dito ang sagot ko with finality sa mga naghahanap ng samples... i will not provide ( full length ) demo's/audio's/mp3's/midi's ng mga piyesang ginawa ko especially accompaniments... kaya wag na po makulit dahil from the beginning ito na talaga ang stand ko, pero yung solo arrangements, pinagiisipan ko pa kasi sa PianistAkOST i'm providing it already. ginawa ko na nga po yung piyesa eh, wag naman po masyadong greedy... pakinggan nyo lang mismo yung kanta sa youtube or cd's at the same naman ang lahat from flow, tempo, dynamics etc. masyado na akong mabait, baka makakita na ako ng liwanag niyan hahaha okie.. hope you'll all understand. tenkyuberimats!!!! ^_^v
No. 11 SUBSCRIBE...
please do subscribe via e-mail for updates. why? kasi hindi naman ako 7-11 or mercury drug establishment na open 24/7 para sumagot sa mga tanong nyong: "ATE, ANONG BAGONG PIYESA?" or "ATE, AVAILABLE NA PO BA ANG KANTANG ITO, KAILAN MO MATATAPOS?" o di kaya "MA'AM WALA PA PO BANG BAGO?!" at ang masaklap mabasa ( madalas kong nababasa sa inbox ko ) "SIR, ANG GALING NYO PO... ANONG NEXT NYO PONG PIYESA NA IPUPUBLISH?" SSSSIIIRRRRR tologohhhhhh?!?!?! hahahahaha susmiyomarimarrrrrrrrr mukha ba akong lalaki? panlalaki ba pangalan ko? may naipost ba akong picture kong naka-boy cut at may bigote?!??! lol
ganito yan... doing sheet music alone, matrabaho na... uploading the scores and maintaining website/s, dagdag trabaho ulit, creating video tutorials, another ubos oras and exactly these are are some of the reasons why i opted not to create another page or site sa fb, dahil hindi naman ako octopus na may 3 hearts, 9 brains and sandamakmak na tentacles para magmultitask at magmaintain pa ng panibagong venue na for updates lang naman ang purpose hahaha alangya. pinaka easy route ang subscription via e-mail, where you will receive notifications as soon as may bago akong song na nai-publish. ang fb ko po ay personal account, so minsan, hindi ko na naipopost yung links ng newly added piano sheet music ko. kaya pasencia na if there are times hindi ako nakakasagot sa messages ng iba sa inyo sa fb. kasi most of the questions naman nasagot ko na at nakapost na dito sa GUIDELINES and FAQ's. ayaw ninyo muna kasi magbasa eh sawz lol if you have concerns/questions, you can post it naman sa message board PianistAko Live! kaya SUBSCRIBE NOW... and DON'T CALL ME SIR!!! hahaha
No. 12 IF ALL ELSE FAILS...
hindi mo maintindihan itong nakalagay dito ( malamang hindi ka nakakaintindi ng tagalog ) or may reklamo ka ( sa presinto ka na lang magpaliwanag ) or may gusto kang malaman ( ah wala akong alam diyan! ) hahaha kung after all ng ginawa kong page-eksplika ko dito eh hindi mo parin ma-gets?! sige huwag kang mahiya magtanong... basta paalala lang... please... MAGBASA / READ muna kayo...
hindi ko kayo gustong pahirapan, pero sana maintindihan ninyo rin na hindi ako parang ATM na naglalabas ng piyesa kapag na-input ninyo na ang pin code *Lafing Awt Lakas!!!* ^_^v alam ko namang nakakainis magbasa lalo kung ganito kahaba ang babasahin pero hindi mo naman kailangan basahin ito everytime you're here ( unless lakas tama ka lang talaga at adik gusto mo paulit-ulit hehe ), isang beses lang! inexplain ko lang mabuti. gusto ko lang na in-order ang lahat kaya may GUIDELINES, may FAQ's, may message board, mga pabasa kasi hindi ko trip maging sirang plaka *Lafing Awt Lakas!!!* kaya para hindi mapanis ang laway ninyo kahihintay para mag-online ako at sagutin lang ang mga katanungan ninyo na paulit-ulit din naman naitatanong minabuti ko nalang ilagay lahat dito. all you have to do is READ! reklamo kayo ng reklamo hindi naman ako yayaman sa kakareklamo ninyo hehehe gamitin ninyo ang mga mata ninyo. sige ka, baka lumabo yan pag hindi mo madalas gamitin sa pagbabasa hehehe manakot ba?! =p
oh and by the way... i'm using 3 browsers FIREFOX, GOOGLE CHROME and INTERNET EXPLORER and this site is best viewed in 1280 x 800 resolution. so, any resolutions below my resolution for sure mahihilo kayo ng konti lalo na kung maliit lang ang mga monitors ninyo dahil hindi na tutugma yung ginawa ko sa resolution mo parang kinarambola yung site ( if you know what i mean ) ^_^v
also, kung may napansin kayong kulang, may it be kulang ang staff, may typo error, maling lyrics, maling nota, kahit anong tingin ninyong mali... lemme know... kasi most of the time madaling araw ko na natatapos ang mga piyesang ito and given na yung antok/pagod ko para minsan eh hindi ko na kayang icheck pa ng 100 times bago ko i-upload... just give me a heads up para matignan ko kung may dapat ba akong baguhin, i-edit, linisin, etc. etc. etc. but BE SPECIFIC sa pagre-report like what page, melody part ba ito, solo, pagkain ba ito? hayop? *ay pinoy henyo na pala lol* ^_^v
i'll try to accommodate all of you as much as i can... i'll try to patiently answer all your questions kahit obvious na ang kasagutan eh nasa site naman. i'll try to cater all your needs... pero tandaan TAO lang ako okay hindi ako ROBOT! hahahaha ^_^ jusme masyado na kayong spoiled eh... may music sheets na, may lyrics pa, may chords, tutorials and all libre as in aba!!!! magreklamo ka pa tutusukin ko mga kuko mo sa paa sige ka! hahahaha =) kung ano man yang mga hinaing mo... magsabi ka lang!!! tutulungan kita sa abot ng aking makakaya... kaya nga ABOT apelyido ko di ba?!
a friendly reminder brought to you by
239 kontrabulates:
«Oldest ‹Older 201 – 239 of 239 Newer› Newest»hello!! i am from taiwan
my english is poor but i really want Download
but i can't find the Download Push button
could you tell me where is the Push button ><???
thank YOU:DD
Blessing! grabe., bibile na sana ako ng mga piano sheets sa Lyrics, MOA kanina and I've decided to search thru Internet. and luckily it brought me here! :) Organized and hinde ka maboboring sa page na ito, masyadong masaya!
Salamat ng marami!
hi! hei! - de. I really like your site - kasi libre lahat ng piyesa. ;p Nyways, thanks a lot . Have a wonderful day! God bless.
shaider ;p
Hi meron po ba kayong "Now that I have you" piano music sheet?
Hi meron po ba kayong music sheet piano nung Now that I have you by the company?? Thanks po :)
Hi nice to meet you! =) I'm sorry that I don't understand the instructions written in philipines language because I'm from Malaysia. Pls forgive me. Can I request for the music sheet of be careful of my heart? I REALLY LOVE THIS SONG VERY MUCH~~~~~ and so i want the score very much!!! Thank you very much!!!!!!!!! =)
Hi admin, nice to meet you, I'm from Malaysia!!! =) Can i have the music sheet of be careful with my heart? I REALLY LOVE THIS SONG SOSOSOSOSOSOSO MUCH and so I really want the score very much!!!!! Thank you very much.. =)
Hi pwede po magpatranscribe ng vocal+piano.... i've been looking for this song's music sheet kaso di ko po makita.... one of my favorite songs of all time....
it's called
hintayin mo lang
Lyrics by Dada de Pano
Arranged by Arnold Buena
Music by Trina Belamide
Performed by Jolina Magdangal
http://www.youtube.com/watch?v=M6O434M5W_8
and also po do you do choir pieces po? as in SATB arrangements? salamat po ^_^
-kristel
@kristel
ay ate paki-fill up ang EMS form.. tulad nyan, saan ko ipapadala yung estimation or paano mo makukuha yung detalye eh walang email... hehehe good day! ^_^v
Mike V - thanks heids.
Hello po. Pwede po bang mag request? kung pwede po, pa request naman po ng tutorial ng Best Friend by Nishino Kana. Theme song po kasi namin yan ng Best friend ko, since hindi naman po ako magaling kumanta, idadaan ko na lang po sa pagtugtog ng piano. Gusto ko po kasi syang i-surprise sa BestFriendsary namin ♥ Matagal pa naman po yung date, gusto ko po kasi talaga matutunan eh, kaso lang po hindi ako marunong bumasa ng Music Sheet kaya tutorial po ung nirerequest ko sayo :)) Sana po mapagbigyan :))
THANKS BRO!!
hi ms. abot im your no.1 fan :) im britz but you can call me lee. im the amateur to play piano. i would like to play worship if u have videos of them.. thank you and godbless :-D
hi ms. heide, do you happen to have a piano piece arrangement of "Hanggang" by Wency Cornejo? I hope you can share it as I am looking for it to play it to my parents 25th wedding anniversary. Thanks. Mike S.
hi mam...can i make a request...can you make a tutorial on how to play i'll say goodbye for the two of us by expose...i really like how you make tutorials and i admire your talent.. =) continue playing..God bless.. =)
jayjay
hi mam...can i make a request...can you make a tutorial on how to play i'll say goodbye for the two of us by expose...i really like how you make tutorials and i admire your talent.. =) continue playing..God bless.. =)
hi mam...can i make a request...can you make a tutorial on how to play i'll say goodbye for the two of us by expose...i really like how you make tutorials and i admire your talent.. =) continue playing..God bless.. =)
jj
thanks for making this site. may alam kb n app to join the pagea as one title sheet.
Hello Pianista ko? Thank you for sharing this guidelines. My baby wants to learn how to play piano I'm sure your blog will be very helpful. When I was I kid I always see a music sheet but I do not understand how artist be able to read those high and low notes :)
i downloaded your To Have and To Hold for a friend's wedding ^_^ thanks a lot! ^_^
..
Good day and hello to you miss heide baguhan lang ako sa site mo..pero ang nais ko sana matuto kung pano tumugtog ng piano..marunong akong tumugtog kaso pa isa isa lng gusto ko sana matuto ng whole chords at kung pano makabasa ng music sheet mahirap lang kasi ako e..pero gusto kong matuto talaga..maliban sa paggawa ng design,building plan at house plan gusto ko din matuto ng pinaka mahirap ng intrumento gaya nito. ano kaya ang gagawin ko..?
... thank you very much... more power to you... cheers... amazing...
@Jp Kyun
maniwala ka sa'kin... madali lang matutunan ang pagbabasa ng notes/sheet music... ang mahirap yung habang binabasa eh tinutugtog hehehe but pwede matutunan... wag lang maging atat masyado na gusto agad agad makakatugtog na lol... discipline, patience at kailangan gusto mo para mas maging madali... marami naman nang resources online esp. youtube. good luck ^_^v
Hi ate Heidi paano po kapag 61 or 54 keys lang yung instrumento ko? huhuhu
Hi ate Heidi paano po kapag 61 or 54 lang yung keys ng instrumento ko? huhuhu
Hi Heide,
I greatly appreciate when you emailed me back and said that I don't have to pay :)
I run through the steps again on how to download and I was able to get the music sheets for Ikaw by Regine.
I greatly appreciate what you do.
I left you a small donation and I hope you could get more for your new piano.
I wish you all the best.
Nagsend na po ako sa inyo mg request form, music sheet po ng nakaraang pasko by carol banawa at star ng pasko by abs-cbn, sana po mareceive ko po agad, urgent po kasi yun salamat po and more power to you.God Bless po.-Mae
great!
I just discovered this site and I am excited, I love playing the piano but I am just a beginner . . . for the past 25 years.
Aries
Para po sa linggo ng wika na itutogtog ng anak ko sa eskwelahan na ippraktis po nila gamit ang po ng violin nais ko po mka kopya ng nota
Para po sa linggo ng wika na pang praktis gamit ang violin ng anak ko po. Nais ko po mka hingi ng nota. Salamat po.
Do you have "Kay ganda ang ating musika" piano sheet?
again may I request with your permission the music sheet for "Dakilang Lahi" by Ciarra Sotto. Please. Hope you have it. Many Thanks!
Thank you talaga sa yo. Hindi man ako makapag donate sa iyo. Nawa'y pagpalain ka at makatanggap pa ng maraming blessings.
Sana matapos na yung Be My Lady. Kamukha mo pa naman si Pinang. :-)
hi pwede po ba makahingi ng sheet music ng "ilang tulog pa ba? please sent po on my mail sa richard_pigad@yahoo.com.. ituturo ko sana sa choir namin sa bundok kung san ako nagtuturo.. salamat po
salamat sa mga areglo
Salamat po!
thank you
kindly AT LEAST leave a NAME or CODE NAME (lagay mo shaider hehe) don't just use ANONYMOUS so that i can answer your questions directly and BEFORE ASKING ANYTHING... please do read GUIDELINES first.
thank you. xie xie. arigato. kam sah hamnida. gracias. salamat ^_^