PianistAko Heide Abot Youtube profile PianistAko Heide Abot Google plus profile PianistAko Heide Abot Piano Files profile PianistAko Heide Abot Facebook profile PianistAko Heide Abot Twitter profile Subscribe to PianistAko

Save your $2.50 per sheet music
free OPM sheet music by Heide Abot




forevermore by juris mercy and compassion by aia de leon mahal ko o mahal ako by kz tandingan sa'yo by silent sanctuary pare, mahal mo raw ako by michael pangilinan thank you, ang babait ninyo by lyca, darren, jk, darlene

ariel rivera - minsan lang kita iibigin






OPM sheet music no. 107: sa wakas natapos ko rin... isa ito sa mga kino-consider na most romantic opm songs ( nde nga?! yung totoo? ) haha lagi ko lang itong nilalagpasan pag namimili ako ng song na tatapusin ko... sinimulan ko sa intro hanggang sa tinamad nako't lahat intro pa rin hehe... i already forgot na nga kung sino nagrequest nito eh... sa sobrang tagal ng nakapending nakalimutan ko na tuloy... meron pa akong isa, melody nalang kulang. try ko tapusin tonight... try ko lang at marami pa kasing seremonyas bago ko maiupload ang isang piyesa... daig pa nagpa-parlor kaloka! haha yung simplified hmmm tinatamad pa akong tapusin... hala anong petsa na hehehe... o cia teka, kain muna ako.. nagutom mga alaga ko sa tyan kakaisip! lalz


papitik nga muna! ^_^
oh and btw, sa mga masugid na nagrereklamo na tanggalin ko lahat ang "kalokohang" ginagawa ko sa mga piano pieces na 'to tulad ng watermarks, uploading the pages individually, using third party sites, etc... jusme naman anong dekada na ba... malapit na mag 2011 hindi ka pa ba nagbabasa ng GUIDELINES dito... maryomes na kulubot na pasas ka! hahaha ^_^


alam ninyo, madali lang akong kausap eh... sa totoo lang... kaya ko naman gawin lahat yang wishes ninyo eh... kaya kong tanggalin lahat yang tinatawag ninyong "kalokohan" na pinaggagagawa ko dito... kayo lang ang inaalala ko... hehe if i remove all anik-aniks, ay juskobels! may makikita na kayong BUY THIS PIANO SCORE FOR $2.50 or $5.00 ( depende sa difficulty ) sa ibaba ng bawat piano piece... at alam kong hindi ninyo magugustuhan yun... sawz, kilala ko kaya mga pasikot-sikot ng small instestines nyo! haha kaya nga kayo  nandito kasi may LiBRE! LiBRE! LiBRE! hihihi 'wag mo na ideny, pare-parehas lang ang hitsura ninyo ngayon... pa-inosente kunwari, 'wag ma-stress hindi ko naman kayo nakikita! lalz actually, pabor sa'kin kung after ko matapos ang piyesa upload kagad, 1 pdf file, no watermarks,  etc., kasi nakakatagal talaga ang page-edit ko pa ng mga piyesa at paglalagay ng mga anik-anik sa mga gawa ko... mas pinili ko na nga ang mas mahabang route para makaipon ako ng money na pambili ko ng piano... at gusto ko yung money na gagamitin ko eh galing dito sa pinagpupuyatan kong PianistAko... ang masakit lang sa puso eh may mga tao pa rin talaga na tinulungan mo na ngat lahat, gusto pang angkinin pati  bahay ng alaga mong aso! sagad sa kasakiman lang! hahaha palalabasin na sila ang gumawa ng pinaghirapan mo, may ganun pala talaga! hindi nalang suportahan yung taong nagmagandang loob... aagawan pa ata ng trono si taning! magbago na kayo yo yo yo!!! hehe


well, i  could've done what other transcriptionists do on their works online too: put all these piano pieces for sale but i chose not to kasi nga gusto ko kayong tulungan! kayo na bahala kung tutulungan nyo ako by giving donations, hindi ko kayo pinipilit magbigay.. kinokonsensiya lang OO hahaha kaya 'wag masyadong mareklamo okie... alam ko namang hindi lahat kayo afford magbayad ng $2.50 to $5.00 per piece ( that's $250-$500 para sa 100 piano scores na nilagay ko dito... whoahh ) malamang nga wala talaga kayong balak magbayad at all hahaha magkano rin yun ah... lalz tandaan, hindi 'to ang full time work ko hane?! singit lang 'to sa buhay ko. pero ubos naman ang espasyo ng eyebags ko pagkatapos hahaha... myged! ^_^v


if i were on your part, the leecher/downloader/music sheet collector/etc., i'd be happy na and more than grateful kahit abutin ako ng siyam siyam sa pagda-download kasi libre naman eh. during my time, walang resources na ganito tapos libre. maswerte na kayo ngayon kasi may isang baliw na tulad ko na nagtyatyagang gumawa ng OPM piano scores... alas, after how many years may mapagkukunan na ng OPM piano pieces na hindi tunog baa baa black sheep. aling request pa ba ang hindi ko napagbigyan? may video tutorials na rin dito, may piano chords na rin kahit papaano, sinimulan ko na rin yung simplified piano solos, may libreng piano lessons kahit hindi ko matapos-tapos kasi kelangan ng matinding pagko-concentrate dun para maibahagi sa inyo yung napag-aralan ko since my neophyte days sa piano lessons ko *wink-wink*


paalala ko lang marunong din akong matulog, kumain, maligo, may 24 hours din ako in a day, marunong din akong magpatay ng computer at magtipid ng kuryente, magpalipad ng saranggola, in short TAO LANG AKO okay... hindi ako ATM machine na kapag may hiningi kayong piyesa sa'kin eh agad-agad kong mapo-produce. para kang nagwi-withdraw ng walang balance ang atm mo! aba! wag ganun meyn! hehehe basta i'll try my best. kahit minsan tinatamad na ako or pagod na ako gumawa ng piyesa eh pinipilit ko pa rin makatapos ng 1 in a week. kaya tiis tiis lang... hintay lang kayo, mas mahirap ang ginagawa ko kesa ang magdownload. kayo magda-download finished product na, eh ako from raw materials to finished product ang ginagawa ko! ( ayan inapply ko na tuloy ang pagiging lisensyadong durugista ko hahaha ) alam kong sulit din naman ang imbyerna ninyo pag nakuha nyo na yung piyesa eh... sulit rin naman ang puyat/pagod ko pag naappreciate nyo yang mga piyesang ginawa ko... okay na sa'kin yun ^_^v


pahabol, yung mga mahihilig magpapansin dyan... sinabi ko ng 'wag ia-upload sa ibang site itong mga piyesa panay pa rin ang upload hay naku sige bilang na araw nyo! pilipino naman kayo ewan ko ba kung sadyang inutil kayo or what... tagalog na nga ang explanations ko eh! may dahilan ang lahat! pinagisipan kong mabuti ang mga pinaglalalagay ko dito. hindi pa ba maintindihan yung GUIDELINES eh yung kaakibat na request ko sa TERMS of USE kakaloka! hindi masama magshare, pero ang ishare nyo yung site ng PianistAko. yun na! tuloy ko lang pagkain ko, naging kaning lamig na ata 'to langya! hahaha ^_^v


ps. batu-bato sa langit ang tamaan... BINGO! ^_^ enjoy your weekend \m/



btw, the actual audio/mp3 below where i based my transcriptions are just guide ( tempo, dynamics, flow of the song, etc. ) for the piano players/musicians. support our OPM artists by buying their album.


LISTEN to this song...





minsan lang kita iibigin
sung by ariel rivera
composed by aaron paul del rosario
lyrics by aaron paul del rosario
password: 110210




DOWNLOAD HERE PAREKOY!

page 1
page 2
page 3
page 4
page 5
page 6


SHEET MUSIC for FLUTE, SAXOPHONE, VIOLIN, etc.

page 1
page 2



MINSAN LANG KITA IIBIGIN
sung by ariel rivera

mahal pangako sa iyo, hindi magbabago
ikaw lang ang iibigin ko
kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
asahan na di maglalaho
ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
kung kaya giliw dapat mong malaman....


minsan lang kitang iibigin
minsan lang kitang mamahalin
ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
dahil ang minsan ay magpakailanman....


minsan lamang sa buhay ko ang 'sang katulad mo
ako rin ba'y iniibig mo?
dinggin puso'y sumasamo, sinusumpa sa iyo
ikaw ang tanging dalangin ko....
ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
kung kaya giliw dapat mong malaman....


minsan lang kitang iibigin
minsan lang kitang mamahalin
ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
dahil ang minsan ay magpakailanman....


minsan lang kitang iibigin
minsan lang kitang mamahalin
ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
dahil ang minsan ay magpakailanman....
dahil ang minsan ay magpakailanman






for piano chords, download it HERE
for piano tutorial video, watch it HERE
for instructions on how to download the sheet music ( GUIDELINES ), read it HERE
to download the sample audio in .mp3 format, click HERE
don't know how to read a piano sheet music? learn how to play the piano for free, click HERE





PianistAko Heide Abot Youtube profile PianistAko Heide Abot Facebook profile PianistAko Heide Abot Twitter profile

if you liked this OPM piano sheet music
feel free to rate... c'mon don't be shy :)

0 kontrabulates:

kindly AT LEAST leave a NAME or CODE NAME (lagay mo shaider hehe) don't just use ANONYMOUS so that i can answer your questions directly and BEFORE ASKING ANYTHING... please do read GUIDELINES first.


thank you. xie xie. arigato. kam sah hamnida. gracias. salamat ^_^