filipino patriotic song no.3: kasalukuyang malakas pa rin ang ulan dulot ng habagat at wala akong mapagkaabalahan kundi tapusin yung mga requests na scheduled for this week / kumain / matulog at mag-abang kung papasukin ba kaming muli ng baha. para maging kapakipakinabang naman yung oras na wala akong ginagawa maliban sa mga nabanggit eh gawin ko muna 'tong mga madadali lang tapusin para nde rin sumakit ang bangs ko noh ayoko muna ng mabibigat na isipin, pahinga muna lol... at sana itong habagat na 'to maisipan rin mamahinga... ng tuluyan... tsktsk ;p
i'm happy to see mr. sun again and tulad ng ipinahihiwatig ng song na ito, no matter what, taas noo pa rin tayong mga pilipino. babangon tayong muli with a smile sa ating mga mukha. this too shall pass kaya tulong-tulong lang. ingats ingats mga parekoy's at marekoy's ^_^v
ako ay pilipino
composed by george canseco
lyrics by george canseco
password: 080812
DOWNLOAD HERE PAREKOY!
page 1
page 2
AKO AY PILIPINO
ako ay pilipino ang dugo'y maharlika
likas sa aking puso adhikaing kay ganda
sa pilipinas na aking bayan
lantay na perlas ng silanganan
wari'y natipon ng kayamanan ng Maykapal
bigay sa'king talino sa mabuti lang laan
sa aki'y katutubo ang maging mapagmahal
ako ay pilipino, ako ay pilipino
isang bansa, 'sang diwa ang minimithi ko
sa bayan ko't bandila
laan buhay ko't diwa
ako ay pilipino, pilipinong totoo
ako ay pilipino, ako ay pilipino
taas noo kahit kanino
ang pilipino ay ako
for piano tutorial video, watch it HERE
for instructions on how to download the sheet music ( GUIDELINES ), read it HERE
to download the sample audio in .mp3 format, click HERE
don't know how to read a piano sheet music? learn how to play the piano for free, click HERE
0 kontrabulates:
kindly AT LEAST leave a NAME or CODE NAME (lagay mo shaider hehe) don't just use ANONYMOUS so that i can answer your questions directly and BEFORE ASKING ANYTHING... please do read GUIDELINES first.
thank you. xie xie. arigato. kam sah hamnida. gracias. salamat ^_^